Talaga ngang nagbigay Kami kina David at Solomon ng kaalaman. Nagsabi silang dalawa: “Ang papuri ay ukol kay Allāh na nagtangi sa amin higit sa marami sa mga lingkod Niyang mga mananampalataya.” An-Naml 27:15 ⧉
Tafsīr:
Talaga ngang nagbigay Kami kay David at sa anak niyang si Solomon ng kaalaman, na bahagi nito ang kaalaman sa pakikipag-usap sa mga ibon. Nagsabi sina David at Solomon habang mga nagpapasalamat kay Allāh – kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan: "Ang papuri ay ukol kay Allāh na nagtangi sa amin ng inilaan Niya sa amin na kaalaman at pagkapropeta higit sa marami sa mga lingkod Niyang mga mananampalataya."