Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Naml — Talata 16 (Tagalog) — Bidyo

An-Naml • Talata 16 sa 93 • Tagalog


وَوَرِثَ سُلَيْمَانُ دَاوُودَ ۖ وَقَالَ يَا أَيُّهَا النَّاسُ عُلِّمْنَا مَنْطِقَ الطَّيْرِ وَأُوتِينَا مِنْ كُلِّ شَيْءٍ ۖ إِنَّ هَٰذَا لَهُوَ الْفَضْلُ الْمُبِينُ 16
Pagsasalin:
Nagmana si Solomon kay David at nagsabi: “O mga tao, tinuruan kami ng pagbigkas ng mga ibon at binigyan kami mula sa bawat bagay. Tunay na ito ay talagang ang kabutihang-loob na malinaw.” An-Naml 27:16
Tafsīr:
Nagmana si Solomon sa ama niyang si David sa pagkapropeta, kaalaman, at pagkahari. Nagsabi siya habang nagsasalita hinggil sa biyaya ni Allāh sa kanya at sa ama niya: "O mga tao, nagturo sa amin si Allāh ng pag-intindi sa mga huni ng ibon at nagbigay Siya sa amin mula sa bawat bagay na ibinigay Niya sa mga propeta at mga hari. Tunay na itong ibinigay sa amin ni Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – ay talagang ang kabutihang-loob na maliwanag na malinaw."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Naml • Talata 15 Susunod An-Naml • Talata 17