Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Saba’ — Talata 14 (Tagalog) — Bidyo

Saba’ • Talata 14 sa 54 • Tagalog


فَلَمَّا قَضَيْنَا عَلَيْهِ الْمَوْتَ مَا دَلَّهُمْ عَلَىٰ مَوْتِهِ إِلَّا دَابَّةُ الْأَرْضِ تَأْكُلُ مِنْسَأَتَهُ ۖ فَلَمَّا خَرَّ تَبَيَّنَتِ الْجِنُّ أَنْ لَوْ كَانُوا يَعْلَمُونَ الْغَيْبَ مَا لَبِثُوا فِي الْعَذَابِ الْمُهِينِ 14
Pagsasalin:
Kaya noong nagtadhana Kami sa kanya ng kamatayan ay walang nagturo sa kanila sa pagkamatay niya kundi ang gumagalaw na nilalang ng lupa na kumakain sa panungkod niya. Kaya noong bumagsak siya ay napaglinawan ng mga jinn na kung sakaling sila noon ay nakaaalam sa nakalingid, hindi sana sila namalagi sa pagdurusang nanghahamak. Saba’ 34:14
Tafsīr:
Kaya noong humatol Kami kay Solomon ng kamatayan ay walang gumabay sa mga jinn na siya ay namatay na maliban sa isang kulisap na anay na kumakain sa tungkod niya na siya noon ay sumasandal doon. Kaya noong bumagsak siya ay napaglinawan ng mga jinn na sila ay hindi nakaaalam sa Lingid yayamang kung sakaling sila noon ay nakaaalam doon, hindi sana sila nanatili sa pagdurusang nang-aaba sa kanila. Iyon ay ang dinaranas nila na gawaing mabigat na ginagawa nila para kay Solomon – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – dahil sa isang pag-aakala mula sa kanila na siya ay buhay na nagmamasid sa kanila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Saba’ • Talata 13 Susunod Saba’ • Talata 15