Talaga ngang nagkaroon ang [liping] Sheba sa tirahan nila ng isang tanda: dalawang hardin sa gawing kanan at kaliwa. [Sinabihan sila]: “Kumain kayo mula sa panustos ng Panginoon ninyo at magpasalamat kayo sa Kanya. [Mayroon kayong] isang bayang kaaya-aya at isang Panginoong Mapagpatawad. Saba’ 34:15 ⧉
Tafsīr:
Talaga ngang nagkaroon ang lipi ng Sheba sa tirahan nila, na sila noon ay nakatira, ng isang palatandaang naglalantad sa kakayahan ni Allāh at pagpapala Niya sa kanila: dalawang hardin na ang isa sa dalawa ay nasa gawing kanan at ang ikalawa ay nasa gawing kaliwa. Nagsabi Kami sa kanila: "Kumain kayo mula sa panustos ng Panginoon ninyo at magpasalamat kayo sa Kanya sa mga biyaya Niya. Ito ay isang bayang kaaya-aya at itong si Allāh ay isang Panginoong mapagpatawad na nagpapatawad sa mga pagkakasala ng sinumang nagbalik-loob sa Kanya.