Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Saba’ — Talata 16 (Tagalog) — Bidyo

Saba’ • Talata 16 sa 54 • Tagalog


فَأَعْرَضُوا فَأَرْسَلْنَا عَلَيْهِمْ سَيْلَ الْعَرِمِ وَبَدَّلْنَاهُمْ بِجَنَّتَيْهِمْ جَنَّتَيْنِ ذَوَاتَيْ أُكُلٍ خَمْطٍ وَأَثْلٍ وَشَيْءٍ مِنْ سِدْرٍ قَلِيلٍ 16
Pagsasalin:
Ngunit umayaw sila [kay Allāh] kaya nagsugo Kami laban sa kanila ng baha ng saplad at nagpalit Kami sa dalawang hardin nila ng dalawang hardin na mga may bungang mapait, mga tamarisko, at mangilan-ngilang mansanitas na kaunti. Saba’ 34:16
Tafsīr:
Ngunit umayaw sila sa pagpapasalamat kay Allāh at pagsampalataya sa mga sugo Niya kaya nagparusa Kami sa kanila sa pamamagitan ng pagpapalit sa mga biyaya sa kanila na naging isang salot. Kaya nagsugo Kami sa kanila ng isang bahang rumaragasang sumira sa balakid nila at lumunod sa mga taniman nila. Nagpalit Kami sa dalawang pataniman nila ng dalawang patanimang namumunga ng bungang mapait. Mayroon sa dalawang ito na mga puno ng tamarisko na hindi namumunga, at mangilan-ngilang kaunting mansanitas.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Saba’ • Talata 15 Susunod Saba’ • Talata 17