Surah An-Naḥl (Ang Bubuyog — النحل) (Talata 113)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




16 An-Naḥl(النحل), Talata 113

وَلَقَدْ جَاءَهُمْ رَسُولٌ مِنْهُمْ فَكَذَّبُوهُ فَأَخَذَهُمُ الْعَذَابُ وَهُمْ ظَالِمُونَ 113 ١١٣

Talaga ngang may dumating sa kanila na isang sugong kabilang sa kanila ngunit nagpasinungaling sila sa kanya kaya dumaklot sa kanila ang pagdurusa habang sila ay mga tagalabag sa katarungan. (113)

Tafsīr
Talaga ngang may dumating sa mga naninirahan sa Makkah na isang sugong kabilang sa kanila, na nakikilala nila siya sa pagkamapagkakatiwalaan at katapatan. Siya ay si Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan. Ngunit nagpasinungaling sila sa kanya kaugnay sa ibinaba sa kanya ng Panginoon niya kaya bumababa sa kanila ang pagdurusang dulot ni Allāh sa pamamagitan ng pagkagutom at pangamba habang sila ay mga tagalabag sa katarungan sa mga sarili nila, sa pamamagitan ng paghahatid sa mga ito sa mga hatiran ng kapahamakan, nang nagtambal sila kay Allāh at nagpasinungaling sila sa Sugo Niya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba