Surah An-Naḥl (Ang Bubuyog — النحل) (Talata 127)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




16 An-Naḥl(النحل), Talata 127

وَاصْبِرْ وَمَا صَبْرُكَ إِلَّا بِاللَّهِ ۚ وَلَا تَحْزَنْ عَلَيْهِمْ وَلَا تَكُ فِي ضَيْقٍ مِمَّا يَمْكُرُونَ 127 ١٢٧

Magtiis ka at walang iba ang pagtitiis mo kundi sa pamamagitan ni Allāh. Huwag kang malungkot para sa kanila at huwag kang maging nasa isang paninikip [ng dibdib] mula sa anumang ipinakakana nila. (127)

Tafsīr
Magtiis ka, O Sugo, sa tumatama sa iyo na pananakit nila. Walang iba ang pagtutuon sa iyo sa pagtitiis malibang sa pamamagitan ng pagtutuon ni Allāh para sa iyo. Huwag kang malungkot dahil sa pag-ayaw sa iyo ng mga tagatangging sumampalataya. Huwag manikip ang dibdib mo dahilan sa isinasagawa nila na panlalansi at pakana.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba