Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Pinagsilbi Niya para sa inyo ang gabi at ang maghapon, at ang araw at ang buwan. Ang mga bituin ay mga pinagsisilbi ayon sa utos Niya. Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga taong nakapag-uunawa. (12)
Tafsīr
Pinaamo ni Allāh para sa inyo ang gabi upang tumahan kayo rito at mamahinga kayo, at ang maghapon upang kumita kayo rito ng ikabubuhay ninyo. Pinagsilbi Niya para sa inyo ang araw at ginawa Niya itong isang tanglaw. Ang buwan ay ginawa Niyang isang liwanag. Ang mga bituin ay mga pinaamo para sa inyo ayon sa utos Niyang pang-itinakda. Sa pamamagitan ng mga ito ay napapatnubayan kayo sa mga kadiliman ng katihan at karagatan at nakaaalam kayo ng mga oras at iba pa roon. Tunay na sa pagpapasilbi niyon, ng lahat ng iyon, ay talagang may mga katunayang maliwanag sa kakayahan ni Allāh para sa mga taong nagpapagana sa mga pang-unawa nila sapagkat sila ay ang nakatatalos ng kasanhian mula roon.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: