Surah An-Naḥl (Ang Bubuyog — النحل) (Talata 18)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




16 An-Naḥl(النحل), Talata 18

وَإِنْ تَعُدُّوا نِعْمَةَ اللَّهِ لَا تُحْصُوهَا ۗ إِنَّ اللَّهَ لَغَفُورٌ رَحِيمٌ 18 ١٨

Kung magbibilang kayo ng biyaya ni Allāh ay hindi kayo makapag-iisa-isa nito. Tunay na si Allāh ay talagang Mapagpatawad, Maawain. (18)

Tafsīr
Kung magtatangka kayo, O mga tao, ng pagbilang sa maraming biyaya ni Allāh na ibiniyaya Niya sa inyo at ng pagtatakda sa mga ito, hindi kayo makakakaya niyon dahil sa dami ng mga ito at pagkasarisari ng mga ito. Tunay na si Allāh ay talagang Mapagpatawad yayamang hindi Siya nagparusa sa inyo dahil sa pagkalingat sa pagpapasalamat sa mga ito, Maawain yayamang hindi Siya pumutol ng mga ito sa inyo dahilan sa mga pagsuway at pagkukulang sa pagpapasalamat sa Kanya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba