Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Naḥl — Talata 18 (Tagalog) — Bidyo

An-Naḥl • Talata 18 sa 128 • Tagalog


وَإِنْ تَعُدُّوا نِعْمَةَ اللَّهِ لَا تُحْصُوهَا ۗ إِنَّ اللَّهَ لَغَفُورٌ رَحِيمٌ 18
Pagsasalin:
Kung magbibilang kayo ng biyaya ni Allāh ay hindi kayo makapag-iisa-isa nito. Tunay na si Allāh ay talagang Mapagpatawad, Maawain. An-Naḥl 16:18
Tafsīr:
Kung magtatangka kayo, O mga tao, ng pagbilang sa maraming biyaya ni Allāh na ibiniyaya Niya sa inyo at ng pagtatakda sa mga ito, hindi kayo makakakaya niyon dahil sa dami ng mga ito at pagkasarisari ng mga ito. Tunay na si Allāh ay talagang Mapagpatawad yayamang hindi Siya nagparusa sa inyo dahil sa pagkalingat sa pagpapasalamat sa mga ito, Maawain yayamang hindi Siya pumutol ng mga ito sa inyo dahilan sa mga pagsuway at pagkukulang sa pagpapasalamat sa Kanya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Naḥl • Talata 17 Susunod An-Naḥl • Talata 19