Kaya ba ang sinumang lumilikha ay gaya ng sinumang hindi lumilikha? Kaya ba hindi kayo nagsasaalaala? An-Naḥl 16:17 ⧉
Tafsīr:
Kaya ba ang sinumang lumilikha ng mga bagay na ito at iba pa sa mga ito ay gaya ng sinumang hindi lumilikha ng isang bagay? Kaya ba hindi kayo nagsasaalaala sa kadakilaan ni Allāh na lumilikha sa bawat bagay? Magbukod-tangi kayo sa Kanya sa pagsamba at huwag kayong magtambal sa Kanya ng anumang hindi lumilikha ng isang bagay.