Surah An-Naḥl (Ang Bubuyog — النحل) (Talata 27)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




16 An-Naḥl(النحل), Talata 27

ثُمَّ يَوْمَ الْقِيَامَةِ يُخْزِيهِمْ وَيَقُولُ أَيْنَ شُرَكَائِيَ الَّذِينَ كُنْتُمْ تُشَاقُّونَ فِيهِمْ ۚ قَالَ الَّذِينَ أُوتُوا الْعِلْمَ إِنَّ الْخِزْيَ الْيَوْمَ وَالسُّوءَ عَلَى الْكَافِرِينَ 27 ٢٧

Pagkatapos sa Araw ng Pagbangon ay magpapahiya Siya sa kanila at magsasabi Siya: “Nasaan na ang mga katambal [na itinambal ninyo] sa Akin na kayo dati ay nakikipaghidwaan dahil sa kanila?” Magsasabi ang mga binigyan ng kaalaman: “Tunay na ang kahihiyan sa Araw na ito at ang kasagwaan ay ukol sa mga tagatangging sumampalataya, (27)

Tafsīr
Pagkatapos sa Araw ng Pagbangon ay mang-aaba sa kanila si Allāh sa pamamagitan ng pagdurusa, manghahamak Siya sa kanila sa pamamagitan nito, at magsasabi Siya sa kanila: "Nasaan na ang mga katambal sa Akin na kayo noon ay nagtatambal kasama sa Akin sa pagsamba at kayo noon ay nangangaway ng mga propeta Ko at mga mananampalataya dahilan sa kanila?" Magsasabi ang mga nakaalam na mga makapanginoon: "Tunay na ang kaabahan at ang pagdurusa sa Araw ng Pagbangon ay babagsak sa mga tagatangging sumampalataya,

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba