Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Talaga ngang nagpadala Kami sa bawat kalipunan ng isang sugo, na [nagsasabi]: “Sumamba kayo kay Allāh at umiwas kayo sa nagpapakadiyos.” Kaya mayroon sa kanila na pinatnubayan ni Allāh at mayroon sa kanila na nagindapat sa kanya ang kaligawan. Kaya humayo kayo sa lupain saka tumingin kayo kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga tagapagpasinungaling. (36)
Tafsīr
Talaga ngang nagpadala Kami sa bawat naunang kalipunan ng isang sugong nag-uutos sa kalipunan nito na sumamba kay Allāh lamang at tumigil sa pagsamba sa iba pa sa Kanya gaya ng mga anito, mga demonyo, at iba pa sa mga ito. Kaya kabilang sa kanila noon ang itinuon ni Allāh kaya sumampalataya sa Kanya at sumunod sa dinala ng Sugo Niya, at kabilang sa kanila noon ang tumangging sumampalataya kay Allāh at sumuway sa Sugo Niya kaya hindi Niya itinuon saka naging obligado roon ang kaligawan. Kaya maglakbay kayo sa lupa upang makita ninyo sa pamamagitan ng mga mata ninyo kung papaano naging ang kinahantungan ng mga tagapagpasinungaling matapos na may dumapo sa kanila na pagdurusa at kapahamakan.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: