Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Ang mga lumikas alang-alang kay Allāh matapos na nilabag sila sa katarungan ay talagang magpapatahan nga Kami sa kanila sa Mundo nang maganda. Talagang ang gantimpala sa Kabilang-buhay ay higit na malaki kung sakaling sila dati ay nakaaalam. (41)
Tafsīr
Ang mga nag-iwan sa mga tahanan nila, mga mag-anak nila, at mga yaman nila bilang mga lumilikas mula sa bayan ng kawalang-pananampalataya tungo sa bayan ng Islām sa paghahangad ng kaluguran ni Allāh noong matapos na nagparusa sa kanila ang mga tagatangging sumampalataya at gumipit sa kanila ay talagang magpapatuloy nga Kami sa kanila sa Mundo sa isang tahanang sila roon ay magiging mga marangal. Talagang ang gantimpala sa Kabilang-buhay ay higit na dakila dahil bahagi nito ang Paraiso. Kung sakaling ang mga nagpapaiwan sa paglikas ay nakaaalam sa gantimpala ng mga lumikas, talaga sanang hindi sila nagpaiwan doon.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: