Surah An-Naḥl (Ang Bubuyog — النحل) (Talata 44)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




16 An-Naḥl(النحل), Talata 44

بِالْبَيِّنَاتِ وَالزُّبُرِ ۗ وَأَنْزَلْنَا إِلَيْكَ الذِّكْرَ لِتُبَيِّنَ لِلنَّاسِ مَا نُزِّلَ إِلَيْهِمْ وَلَعَلَّهُمْ يَتَفَكَّرُونَ 44 ٤٤

[Isinugo ang mga sugo] kalakip ng mga malinaw na patunay at mga kasulatan. Nagpababa Kami sa iyo ng paalaala upang maglinaw ka sa mga tao ng pinababa sa kanila at nang sa gayon sila ay mag-iisip-isip. (44)

Tafsīr
Nagsugo Kami sa mga sugong ito kabilang sa mga tao kalakip ng mga patunay na maliwanag at dala ang mga kasulatang ibinaba. Nagpababa Kami sa iyo, O Sugo, ng Qur'ān upang magpaliwanag ka sa mga tao ng nangangailangan mula rito ng pagpapaliwanag, at nang sa gayon sila ay magpagana sa mga isip nila para mapangaralan sila sa pamamagitan ng nilalaman nito.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba