[Isinugo ang mga sugo] kalakip ng mga malinaw na patunay at mga kasulatan. Nagpababa Kami sa iyo ng paalaala upang maglinaw ka sa mga tao ng pinababa sa kanila at nang sa gayon sila ay mag-iisip-isip. An-Naḥl 16:44 ⧉
Tafsīr:
Nagsugo Kami sa mga sugong ito kabilang sa mga tao kalakip ng mga patunay na maliwanag at dala ang mga kasulatang ibinaba. Nagpababa Kami sa iyo, O Sugo, ng Qur'ān upang magpaliwanag ka sa mga tao ng nangangailangan mula rito ng pagpapaliwanag, at nang sa gayon sila ay magpagana sa mga isip nila para mapangaralan sila sa pamamagitan ng nilalaman nito.