Hindi Kami nagsugo bago mo pa kundi ng mga lalaking nagkakasi Kami sa kanila. Kaya magtanong kayo sa mga may paalaala kung kayo ay hindi nakaaalam. An-Naḥl 16:43 ⧉
Tafsīr:
Hindi Kami nagsugo bago mo pa, O Sugo, kundi ng mga lalaking kabilang sa mga tao, na nagkakasi Kami sa kanila, sapagkat hindi Kami nagsugo ng mga sugo kabilang sa mga anghel. Ito ay ang nakagawiang kalakaran Namin. Kung nangyaring kayo ay nagkakaila, magtanong kayo sa mga may kasulatang nauna; magpapabatid sila sa inyo na ang mga sugo noon ay mga tao at hindi nangyaring sila ay mga anghel, kung nangyaring kayo ay hindi nakaaalam na sila ay mga tao.