Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Ang anumang nasa inyo na biyaya ay mula kay Allāh. Pagkatapos kapag sumaling sa inyo ang kapinsalaan ay sa Kanya kayo lumuluhog. (53)
Tafsīr
Ang anumang nasa inyo, O mga tao, na biyayang panrelihiyon o pangmundo ay mula kay Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – hindi mula sa iba pa sa Kanya. Pagkatapos kapag may tumama sa inyo na pagsubok o karamdaman o karalitaan ay sa Kanya lamang kayo nagsusumamo sa panalangin upang pumawi Siya sa inyo ng tumama sa inyo. Kaya ang sinumang nagkakaloob ng mga biyaya at pumapawi sa mga kamalasan ay ang kinakailangan na sambahin – tanging Siya.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: