Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Nagtatalaga sila para sa [mga anito], na hindi nakaaalam, ng isang bahagi mula sa itinustos Namin sa kanila. Sumpa man kay Allāh, talagang tatanungin nga kayo tungkol sa dati ninyong ginagawa-gawa [na kasinungalingan]. (56)
Tafsīr
Nagtatalaga ang mga tagapagtambal sa mga anito nila – na hindi nakaaalam ng anuman dahil ang mga ito ay walang-buhay, ni nagpapakinabang, ni nakapipinsala – ng isang parte mula sa mga yaman nila na itinustos Niya sa kanila, na ipinapanlapit-loob naman nila sa mga ito. Sumpa man kay Allāh, talagang tatanungin nga kayo, O mga tagapagtambal, sa Araw ng Pagbangon tungkol sa inaakala ninyo na ang mga anitong ito ay mga diyos at na may ukol sa mga ito na parte mula sa mga yaman ninyo.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: