Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Naḥl — Talata 56 (Tagalog) — Bidyo

An-Naḥl • Talata 56 sa 128 • Tagalog


وَيَجْعَلُونَ لِمَا لَا يَعْلَمُونَ نَصِيبًا مِمَّا رَزَقْنَاهُمْ ۗ تَاللَّهِ لَتُسْأَلُنَّ عَمَّا كُنْتُمْ تَفْتَرُونَ 56
Pagsasalin:
Nagtatalaga sila para sa [mga anito], na hindi nakaaalam, ng isang bahagi mula sa itinustos Namin sa kanila. Sumpa man kay Allāh, talagang tatanungin nga kayo tungkol sa dati ninyong ginagawa-gawa [na kasinungalingan]. An-Naḥl 16:56
Tafsīr:
Nagtatalaga ang mga tagapagtambal sa mga anito nila – na hindi nakaaalam ng anuman dahil ang mga ito ay walang-buhay, ni nagpapakinabang, ni nakapipinsala – ng isang parte mula sa mga yaman nila na itinustos Niya sa kanila, na ipinapanlapit-loob naman nila sa mga ito. Sumpa man kay Allāh, talagang tatanungin nga kayo, O mga tagapagtambal, sa Araw ng Pagbangon tungkol sa inaakala ninyo na ang mga anitong ito ay mga diyos at na may ukol sa mga ito na parte mula sa mga yaman ninyo.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Naḥl • Talata 55 Susunod An-Naḥl • Talata 57