Nagtatalaga sila para kay Allāh ng mga babaing anak – kaluwalhatian sa Kanya – at para sa kanila ng ninanasa nila. An-Naḥl 16:57 ⧉
Tafsīr:
Nag-uugnay ang mga tagapagtambal para kay Allāh ng mga babaing anak. Naniniwala sila na ang mga ito ay ang mga anghel saka nag-uugnay sila sa Kanya ng pagkakaroon ng anak. Pumipili sila para sa Kanya ng hindi nila naiibigan para sa mga sarili nila. Nagpawalang-kaugnayan si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – at pagkabanal-banal Siya kaysa sa itinatalaga nila para sa Kanya. Nagtatalaga sila para sa kanila ng kinikilingan ng mga sarili nila na mga anak na lalaki. Kaya aling krimen ang higit na mabigat kaysa rito?