Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Ukol sa mga hindi sumasampalataya sa Kabilang-buhay ang paglalarawan ng kasagwaan at ukol kay Allāh ang paglalarawang pinakamataas. Siya ay ang Makapangyarihan, ang Marunong. (60)
Tafsīr
Ukol sa mga tagatangging sumampalataya na hindi sumasampalataya sa Kabilang-buhay ang katangian ng kasagwaan gaya ng pangangailangan sa anak, kamangmangan, at kawalang-pananampalataya; at ukol kay Allāh ang mga katangiang kapuri-puring pinakamataas gaya ng kapitaganan, kalubusan, kawalang-pangangailangan, at kaalaman. Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay ang Makapangyarihan sa paghahari Niya na walang nakikipanaig sa Kanya na isa man, ang Marunong sa paglikha Niya, pangangasiwa Niya, at pagbabatas Niya.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: