Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Naḥl — Talata 60 (Tagalog) — Bidyo

An-Naḥl • Talata 60 sa 128 • Tagalog


لِلَّذِينَ لَا يُؤْمِنُونَ بِالْآخِرَةِ مَثَلُ السَّوْءِ ۖ وَلِلَّهِ الْمَثَلُ الْأَعْلَىٰ ۚ وَهُوَ الْعَزِيزُ الْحَكِيمُ 60
Pagsasalin:
Ukol sa mga hindi sumasampalataya sa Kabilang-buhay ang paglalarawan ng kasagwaan at ukol kay Allāh ang paglalarawang pinakamataas. Siya ay ang Makapangyarihan, ang Marunong. An-Naḥl 16:60
Tafsīr:
Ukol sa mga tagatangging sumampalataya na hindi sumasampalataya sa Kabilang-buhay ang katangian ng kasagwaan gaya ng pangangailangan sa anak, kamangmangan, at kawalang-pananampalataya; at ukol kay Allāh ang mga katangiang kapuri-puring pinakamataas gaya ng kapitaganan, kalubusan, kawalang-pangangailangan, at kaalaman. Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay ang Makapangyarihan sa paghahari Niya na walang nakikipanaig sa Kanya na isa man, ang Marunong sa paglikha Niya, pangangasiwa Niya, at pagbabatas Niya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Naḥl • Talata 59 Susunod An-Naḥl • Talata 61