Nagtatago siya sa mga tao dahil sa kasagwaan daw ng ibinalita sa kanya. Magpapanatili ba siya nito sa pagkahamak o magbabaon siya nito sa alabok? Pansinin, kay sagwa ang ihinahatol nila! An-Naḥl 16:59 ⧉
Tafsīr:
Nagkukubli siya at lumiliban siya palayo sa mga kababayan niya dahil sa sagwa ng ipinabatid sa kanya na pagkapanganak ng isang babae. Kinakausap niya ang sarili niya: "Pananatilihin ba niya ang babaing anak na ito sa kabila ng kaabahan at kahapisan o ililibing niya ito nang buhay sa alabok?" Anong pangit ang inihahatol ng mga tagapagtambal yayamang humatol sila para sa Panginoon nila ng kinasusuklaman nila para sa mga sarili nila!