Kung sakaling magpapanagot si Allāh sa mga tao dahil sa kawalang-katarungan nila ay hindi sana Siya nag-iwan sa ibabaw nito ng anumang gumagalaw na nilalang subalit nag-aantala Siya sa kanila hanggang sa isang taning na tinukoy. Kaya kapag dumating ang taning nila ay hindi sila makapagpapaantala ng isang sandali at hindi sila makapagpapauna. An-Naḥl 16:61 ⧉
Tafsīr:
Kung sakaling magpaparusa si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – sa mga tao dahilan sa kawalang-katarungan nila at kawalang-pananampalataya nila ay hindi sana Siya nag-iwan sa lupa ng anumang tao ni hayop na gumagalaw sa mukha nito, subalit Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay nag-aantala sa kanila hanggang sa isang yugtong tinakdaan sa kaalaman Niya. Kaya kapag dumating ang yugtong tinakdaang iyon sa kaalaman Niya ay hindi sila maaantala roon at hindi sila mauuna, kahit pa man isang bahagyang panahon.