Nagtatalaga sila para kay Allāh ng kinasusuklaman nila [na pagkakaroon ng anak na babae]. Naglalarawan ang mga dila nila ng kasinungalingan na ukol daw sa kanila ang pinakamaganda. Walang pasubali na ukol sa kanila ang Apoy at na sila ay mga pababayaan. An-Naḥl 16:62 ⧉
Tafsīr:
Nagtatalaga sila para kay Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – ng kinasusuklaman nila ang pag-uugnay niyon sa kanila gaya ng pagkakaroon ng mga babaing anak. Bumibigkas ang mga dila nila ng kasinungalingan na ukol daw sa kanila sa ganang kay Allāh ang kalagayang pinakamaganda kung tutumpak na sila ay bubuhaying muli gaya ng sinasabi nila. Totoong tunay na ukol sa kanila ang Apoy at tunay na sila ay mga iiwanan doon: hindi sila lalabas mula roon magpakailanman.