Sumpa man kay Allāh, talaga ngang nagsugo sa mga kalipunan bago mo pa ngunit ipinang-akit sa kanila ng demonyo ang mga gawa nila kaya siya ay tagatangkilik nila sa araw na ito at ukol sa kanila ay isang pagdurusang masakit. An-Naḥl 16:63 ⧉
Tafsīr:
Sumpa man kay Allāh, talaga ngang nagpadala ng mga sugo sa mga kalipunan bago mo pa, O Sugo, ngunit pinaganda para sa kanila ng demonyo ang mga gawa nilang pangit gaya ng shirk, kawalang-pananampalataya, at mga pagsuway kaya siya ay ang mapag-adya nilang inaakala sa Araw ng Pagbangon kaya magpaadya sila sa kanya. Ukol sa kanila sa Araw ng Pagbangon ay isang pagdurusang nakasasakit.