Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Nagtatalaga sila para kay Allāh ng kinasusuklaman nila [na pagkakaroon ng anak na babae]. Naglalarawan ang mga dila nila ng kasinungalingan na ukol daw sa kanila ang pinakamaganda. Walang pasubali na ukol sa kanila ang Apoy at na sila ay mga pababayaan. (62)
Tafsīr
Nagtatalaga sila para kay Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – ng kinasusuklaman nila ang pag-uugnay niyon sa kanila gaya ng pagkakaroon ng mga babaing anak. Bumibigkas ang mga dila nila ng kasinungalingan na ukol daw sa kanila sa ganang kay Allāh ang kalagayang pinakamaganda kung tutumpak na sila ay bubuhaying muli gaya ng sinasabi nila. Totoong tunay na ukol sa kanila ang Apoy at tunay na sila ay mga iiwanan doon: hindi sila lalabas mula roon magpakailanman.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: