Surah An-Naḥl (Ang Bubuyog — النحل) (Talata 65)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




16 An-Naḥl(النحل), Talata 65

وَاللَّهُ أَنْزَلَ مِنَ السَّمَاءِ مَاءً فَأَحْيَا بِهِ الْأَرْضَ بَعْدَ مَوْتِهَا ۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَةً لِقَوْمٍ يَسْمَعُونَ 65 ٦٥

Si Allāh ay nagpababa mula sa langit ng tubig saka nagbigay-buhay sa pamamagitan niyon sa lupa matapos ng kamatayan nito. Tunay na sa gayon ay talagang may tanda para sa mga taong dumidinig. (65)

Tafsīr
Si Allāh ay nagpababa mula sa dako ng langit ng ulan saka nagbigay-buhay sa pamamagitan nito sa lupa sa pamamagitan ng pagpapalabas ng mga halaman mula rito matapos na ito dati ay tigang at tuyo. Tunay na sa pagpapababa ng ulan mula sa dako ng langit at pagpapalabas ng mga halaman ng lupa sa pamamagitan niyon ay talagang may katunayang maliwanag sa kakayahan ni Allāh para sa mga taong dumidinig sa salita ni Allāh at nagbubulay-bulay rito.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba