Si Allāh ay nagpababa mula sa langit ng tubig saka nagbigay-buhay sa pamamagitan niyon sa lupa matapos ng kamatayan nito. Tunay na sa gayon ay talagang may tanda para sa mga taong dumidinig. An-Naḥl 16:65 ⧉
Tafsīr:
Si Allāh ay nagpababa mula sa dako ng langit ng ulan saka nagbigay-buhay sa pamamagitan nito sa lupa sa pamamagitan ng pagpapalabas ng mga halaman mula rito matapos na ito dati ay tigang at tuyo. Tunay na sa pagpapababa ng ulan mula sa dako ng langit at pagpapalabas ng mga halaman ng lupa sa pamamagitan niyon ay talagang may katunayang maliwanag sa kakayahan ni Allāh para sa mga taong dumidinig sa salita ni Allāh at nagbubulay-bulay rito.