Tunay na para sa inyo sa mga hayupan ay talagang may maisasaalang-alang. Nagpapainom Kami sa inyo ― mula sa mga tiyan ng mga ito sa pagitan ng dumi at dugo ― ng isang gatas na dalisay na kasiya-siya para sa mga umiinom. An-Naḥl 16:66 ⧉
Tafsīr:
Tunay na para sa inyo, O mga tao, sa mga kamelyo, mga baka, at mga tupa ay talagang may pangaral na mapangangaralan kayo sa pamamagitan nito, yayamang nagpapainom Kami sa inyo ng gatas mula sa mga suso ng mga ito, na lumalabas mula sa pagitan ng nilalaman ng tiyan na mga dumi at ng nasa katawan na dugo. Sa kabila nito ay nagpapalabas ng gatas na puro, dalisay, masarap, na nagiging kaaya-aya para sa mga umiinom.