Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Tunay na para sa inyo sa mga hayupan ay talagang may maisasaalang-alang. Nagpapainom Kami sa inyo ― mula sa mga tiyan ng mga ito sa pagitan ng dumi at dugo ― ng isang gatas na dalisay na kasiya-siya para sa mga umiinom. (66)
Tafsīr
Tunay na para sa inyo, O mga tao, sa mga kamelyo, mga baka, at mga tupa ay talagang may pangaral na mapangangaralan kayo sa pamamagitan nito, yayamang nagpapainom Kami sa inyo ng gatas mula sa mga suso ng mga ito, na lumalabas mula sa pagitan ng nilalaman ng tiyan na mga dumi at ng nasa katawan na dugo. Sa kabila nito ay nagpapalabas ng gatas na puro, dalisay, masarap, na nagiging kaaya-aya para sa mga umiinom.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: