Surah An-Naḥl (Ang Bubuyog — النحل) (Talata 70)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




16 An-Naḥl(النحل), Talata 70

وَاللَّهُ خَلَقَكُمْ ثُمَّ يَتَوَفَّاكُمْ ۚ وَمِنْكُمْ مَنْ يُرَدُّ إِلَىٰ أَرْذَلِ الْعُمُرِ لِكَيْ لَا يَعْلَمَ بَعْدَ عِلْمٍ شَيْئًا ۚ إِنَّ اللَّهَ عَلِيمٌ قَدِيرٌ 70 ٧٠

Si Allāh ay lumikha sa inyo, pagkatapos nagpapapanaw sa inyo. Mayroon sa inyo na pinaaabot sa pinakahamak na gulang upang hindi siya makaalam, matapos ng pagkakaalam, ng anuman. Tunay na si Allāh ay Maalam, May-kakayahan. (70)

Tafsīr
Si Allāh ay lumikha sa inyo nang walang naunang pagkakatulad, pagkatapos nagbigay-kamatayan sa inyo sa sandali ng pagtatapos ng mga taning ninyo. Mayroon sa inyo na pinahahaba ang edad hanggang sa pinakamasagwa sa mga antas ng edad, ang pag-uulyanin, kaya hindi siya nakaaalam ng anuman mula sa mga dati niyang nalalaman. Tunay na si Allāh ay Maalam: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula sa mga gawain ng mga lingkod Niya, May-kakayahan na hindi napanghihina ng anuman.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba