Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Naḥl — Talata 70 (Tagalog) — Bidyo

An-Naḥl • Talata 70 sa 128 • Tagalog


وَاللَّهُ خَلَقَكُمْ ثُمَّ يَتَوَفَّاكُمْ ۚ وَمِنْكُمْ مَنْ يُرَدُّ إِلَىٰ أَرْذَلِ الْعُمُرِ لِكَيْ لَا يَعْلَمَ بَعْدَ عِلْمٍ شَيْئًا ۚ إِنَّ اللَّهَ عَلِيمٌ قَدِيرٌ 70
Pagsasalin:
Si Allāh ay lumikha sa inyo, pagkatapos nagpapapanaw sa inyo. Mayroon sa inyo na pinaaabot sa pinakahamak na gulang upang hindi siya makaalam, matapos ng pagkakaalam, ng anuman. Tunay na si Allāh ay Maalam, May-kakayahan. An-Naḥl 16:70
Tafsīr:
Si Allāh ay lumikha sa inyo nang walang naunang pagkakatulad, pagkatapos nagbigay-kamatayan sa inyo sa sandali ng pagtatapos ng mga taning ninyo. Mayroon sa inyo na pinahahaba ang edad hanggang sa pinakamasagwa sa mga antas ng edad, ang pag-uulyanin, kaya hindi siya nakaaalam ng anuman mula sa mga dati niyang nalalaman. Tunay na si Allāh ay Maalam: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula sa mga gawain ng mga lingkod Niya, May-kakayahan na hindi napanghihina ng anuman.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Naḥl • Talata 69 Susunod An-Naḥl • Talata 71