Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Naḥl — Talata 71 (Tagalog) — Bidyo

An-Naḥl • Talata 71 sa 128 • Tagalog


وَاللَّهُ فَضَّلَ بَعْضَكُمْ عَلَىٰ بَعْضٍ فِي الرِّزْقِ ۚ فَمَا الَّذِينَ فُضِّلُوا بِرَادِّي رِزْقِهِمْ عَلَىٰ مَا مَلَكَتْ أَيْمَانُهُمْ فَهُمْ فِيهِ سَوَاءٌ ۚ أَفَبِنِعْمَةِ اللَّهِ يَجْحَدُونَ 71
Pagsasalin:
Si Allāh ay nagtangi ng iba sa inyo higit sa iba sa pagtutustos ngunit ang mga itinangi ay hindi maglilipat ng panustos sa kanila sa mga minay-ari ng mga kanang kamay nila para sila rito ay maging pantay. Kaya ba sa biyaya ni Allāh ay nagkakaila sila? An-Naḥl 16:71
Tafsīr:
Si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – ay nagtangi ng iba sa inyo higit sa iba sa ipinagkaloob Niya sa inyo na panustos sapagkat ginawa Niya mula sa inyo ang mayaman at ang maralita at ang pinapanginoon at ang namamanginoon. Ngunit ang mga itinangi ni Allāh sa panustos ay hindi maglilipat ng ibinigay sa kanila ni Allāh sa mga alipin nila upang ang mga ito ay maging mga katambal nila sa pagkakapantay sa kanila sa pagmamay-ari. Kaya papaano silang nalulugod para kay Allāh na magkaroon ng mga katambal mula sa mga alipin Niya samantalang hindi sila nalulugod para sa mga sarili nila na magkaroon sila ng mga katambal mula sa mga alipin nila na papantay sa kanila? Kaya aling kawalang-katarungan ito at aling pagkakaila sa mga biyaya ni Allāh ang higit na mabigat kaysa rito?
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Naḥl • Talata 70 Susunod An-Naḥl • Talata 72