Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Naḥl — Talata 72 (Tagalog) — Bidyo

An-Naḥl • Talata 72 sa 128 • Tagalog


وَاللَّهُ جَعَلَ لَكُمْ مِنْ أَنْفُسِكُمْ أَزْوَاجًا وَجَعَلَ لَكُمْ مِنْ أَزْوَاجِكُمْ بَنِينَ وَحَفَدَةً وَرَزَقَكُمْ مِنَ الطَّيِّبَاتِ ۚ أَفَبِالْبَاطِلِ يُؤْمِنُونَ وَبِنِعْمَتِ اللَّهِ هُمْ يَكْفُرُونَ 72
Pagsasalin:
Si Allāh ay gumawa para sa inyo mula sa mga sarili ninyo ng mga asawa, gumawa para sa inyo mula sa mga asawa ninyo ng mga anak at mga apo, at tumustos sa inyo mula sa mga kaaya-ayang bagay. Kaya ba sa kabulaanan sumasampalataya kayo at sa biyaya ni Allāh kayo ay tumatangging kumilala [dahil sa hindi pagbubukod-tangi sa Kanya]? An-Naḥl 16:72
Tafsīr:
Si Allāh ay gumawa para sa inyo, O mga tao, mula sa lahi ninyo ng mga asawang nakapapalagayang-loob ninyo, gumawa para sa inyo mula sa mga asawa ninyo ng mga anak at mga anak ng mga anak, at tumustos sa inyo mula sa mga pagkain – gaya ng karne, mga butil, at mga prutas – ng kaaya-aya sa mga ito. Kaya ba sa kabulaanan na mga anito at mga diyus-diyusan ay sumasampalataya kayo at sa maraming biyaya ni Allāh na hindi ninyo nakakayang limitahan ay tumatanggi kayong kumilala at hindi kayo nagpapasalamat sa Kanya sa pamamagitan ng pagsampalataya sa Kanya lamang?
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Naḥl • Talata 71 Susunod An-Naḥl • Talata 73