Surah An-Naḥl (Ang Bubuyog — النحل) (Talata 72)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




16 An-Naḥl(النحل), Talata 72

وَاللَّهُ جَعَلَ لَكُمْ مِنْ أَنْفُسِكُمْ أَزْوَاجًا وَجَعَلَ لَكُمْ مِنْ أَزْوَاجِكُمْ بَنِينَ وَحَفَدَةً وَرَزَقَكُمْ مِنَ الطَّيِّبَاتِ ۚ أَفَبِالْبَاطِلِ يُؤْمِنُونَ وَبِنِعْمَتِ اللَّهِ هُمْ يَكْفُرُونَ 72 ٧٢

Si Allāh ay gumawa para sa inyo mula sa mga sarili ninyo ng mga asawa, gumawa para sa inyo mula sa mga asawa ninyo ng mga anak at mga apo, at tumustos sa inyo mula sa mga kaaya-ayang bagay. Kaya ba sa kabulaanan sumasampalataya kayo at sa biyaya ni Allāh kayo ay tumatangging kumilala [dahil sa hindi pagbubukod-tangi sa Kanya]? (72)

Tafsīr
Si Allāh ay gumawa para sa inyo, O mga tao, mula sa lahi ninyo ng mga asawang nakapapalagayang-loob ninyo, gumawa para sa inyo mula sa mga asawa ninyo ng mga anak at mga anak ng mga anak, at tumustos sa inyo mula sa mga pagkain – gaya ng karne, mga butil, at mga prutas – ng kaaya-aya sa mga ito. Kaya ba sa kabulaanan na mga anito at mga diyus-diyusan ay sumasampalataya kayo at sa maraming biyaya ni Allāh na hindi ninyo nakakayang limitahan ay tumatanggi kayong kumilala at hindi kayo nagpapasalamat sa Kanya sa pamamagitan ng pagsampalataya sa Kanya lamang?

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba