Surah An-Naḥl (Ang Bubuyog — النحل) (Talata 74)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




16 An-Naḥl(النحل), Talata 74

فَلَا تَضْرِبُوا لِلَّهِ الْأَمْثَالَ ۚ إِنَّ اللَّهَ يَعْلَمُ وَأَنْتُمْ لَا تَعْلَمُونَ 74 ٧٤

Kaya huwag kayong maglahad para kay Allāh ng mga paghahalintulad. Tunay na si Allāh ay nakaaalam samantalang kayo ay hindi nakaaalam. (74)

Tafsīr
Kaya huwag kayong gumawa, O mga tao, para kay Allāh ng mga wangis kabilang sa mga anitong ito na hindi nakapagpapakinabang ni nakapipinsala sapagkat si Allāh ay walang kawangis upang magtambal kayo nito kasama sa Kanya sa pagsamba. Tunay na si Allāh ay nakaaalam sa anumang taglay Niya na mga katangian ng kapitaganan at kalubusan samantalang kayo ay hindi nakaaalam niyon, saka nasasadlak kayo sa pagtatambal sa Kanya at sa pag-aangkin ng pagtutulad sa Kanya sa mga anito ninyo.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba