Surah An-Naḥl (Ang Bubuyog — النحل) (Talata 77)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




16 An-Naḥl(النحل), Talata 77

وَلِلَّهِ غَيْبُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۚ وَمَا أَمْرُ السَّاعَةِ إِلَّا كَلَمْحِ الْبَصَرِ أَوْ هُوَ أَقْرَبُ ۚ إِنَّ اللَّهَ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ 77 ٧٧

Ukol kay Allāh ang [kaalaman sa] nakalingid sa mga langit at lupa. Walang iba ang lagay ng Huling Sandali kundi gaya ng kisap ng paningin o higit na malapit. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan. (77)

Tafsīr
Ukol kay Allāh ang kaalaman sa anumang nakalingid sa mga langit at ang kaalaman sa anumang nakalingid sa lupa sapagkat Siya ay ang natatangi sa kaalaman niyon, hindi ang isa man kabilang sa nilikha Niya. Walang iba ang lagay ng Araw ng Pagbangon, na kabilang sa mga lingid na natatangi sa Kanya, sa bilis ng pagdating nito kapag nagnais Siya nito kundi tulad ng isang pagpinid ng talukap ng mata at pagbukas nito, bagkus higit na mabilis kaysa roon. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan: walang nakapagpapawalang-kakayahan sa Kanya na anuman. Kapag nagnais Siya ng isang bagay ay nagsasabi Siya rito na mangyari saka mangyayari ito.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba