Ukol kay Allāh ang [kaalaman sa] nakalingid sa mga langit at lupa. Walang iba ang lagay ng Huling Sandali kundi gaya ng kisap ng paningin o higit na malapit. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan. An-Naḥl 16:77 ⧉
Tafsīr:
Ukol kay Allāh ang kaalaman sa anumang nakalingid sa mga langit at ang kaalaman sa anumang nakalingid sa lupa sapagkat Siya ay ang natatangi sa kaalaman niyon, hindi ang isa man kabilang sa nilikha Niya. Walang iba ang lagay ng Araw ng Pagbangon, na kabilang sa mga lingid na natatangi sa Kanya, sa bilis ng pagdating nito kapag nagnais Siya nito kundi tulad ng isang pagpinid ng talukap ng mata at pagbukas nito, bagkus higit na mabilis kaysa roon. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan: walang nakapagpapawalang-kakayahan sa Kanya na anuman. Kapag nagnais Siya ng isang bagay ay nagsasabi Siya rito na mangyari saka mangyayari ito.