Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Naḥl — Talata 78 (Tagalog) — Bidyo

An-Naḥl • Talata 78 sa 128 • Tagalog


وَاللَّهُ أَخْرَجَكُمْ مِنْ بُطُونِ أُمَّهَاتِكُمْ لَا تَعْلَمُونَ شَيْئًا وَجَعَلَ لَكُمُ السَّمْعَ وَالْأَبْصَارَ وَالْأَفْئِدَةَ ۙ لَعَلَّكُمْ تَشْكُرُونَ 78
Pagsasalin:
Si Allāh ay nagpalabas sa inyo mula sa mga tiyan ng mga ina ninyo nang hindi kayo nakaaalam ng anuman at gumawa para sa inyo ng pandinig, mga paningin, at mga puso nang sa gayon kayo ay magpapasalamat. An-Naḥl 16:78
Tafsīr:
Si Allāh ay nagpalabas sa inyo, O mga tao, mula sa mga tiyan ng mga ina ninyo matapos ng pagwawakas ng panahon ng pagbubuntis bilang mga batang walang natatalos na anuman, at gumawa para sa inyo ng pandinig upang duminig kayo sa pamamagitan nito, ng mga paningin upang tumingin kayo sa pamamagitan ng mga ito, at ng mga puso upang makapag-unawa kayo sa pamamagitan ng mga ito, sa pag-asang magpasalamat kayo sa ibiniyaya Niya sa inyo mula sa mga iyon.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Naḥl • Talata 77 Susunod An-Naḥl • Talata 79