Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
[Banggitin] ang araw na bubuhay Kami mula sa bawat kalipunan ng isang saksi. Pagkatapos hindi magpapahintulot para sa mga tumangging sumampalataya ni sila ay hihilinging magpasiya [kay Allāh]. (84)
Tafsīr
Banggitin mo, O Sugo, ang araw na bubuhay si Allāh mula sa bawat kalipunan ng sugo nitong isinugo rito na sasaksi sa pananampalataya ng mananampalataya kabilang sa kanila at sa kawalang-pananampalataya ng tagatangging sumampalataya. Pagkatapos matapos niyon ay hindi papayagan para sa mga tagatangging sumampalataya ang paghingi ng paumanhin sa dating taglay nila na kawalang-pananampalataya at hindi sila babalik sa Mundo upang gumawa ng magpapalugod sa Panginoon nila sapagkat ang Kabilang-buhay ay tahanan ng pagtutuos hindi tahanan ng paggawa.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: