Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Naḥl — Talata 84 (Tagalog) — Bidyo

An-Naḥl • Talata 84 sa 128 • Tagalog


وَيَوْمَ نَبْعَثُ مِنْ كُلِّ أُمَّةٍ شَهِيدًا ثُمَّ لَا يُؤْذَنُ لِلَّذِينَ كَفَرُوا وَلَا هُمْ يُسْتَعْتَبُونَ 84
Pagsasalin:
[Banggitin] ang araw na bubuhay Kami mula sa bawat kalipunan ng isang saksi. Pagkatapos hindi magpapahintulot para sa mga tumangging sumampalataya ni sila ay hihilinging magpasiya [kay Allāh]. An-Naḥl 16:84
Tafsīr:
Banggitin mo, O Sugo, ang araw na bubuhay si Allāh mula sa bawat kalipunan ng sugo nitong isinugo rito na sasaksi sa pananampalataya ng mananampalataya kabilang sa kanila at sa kawalang-pananampalataya ng tagatangging sumampalataya. Pagkatapos matapos niyon ay hindi papayagan para sa mga tagatangging sumampalataya ang paghingi ng paumanhin sa dating taglay nila na kawalang-pananampalataya at hindi sila babalik sa Mundo upang gumawa ng magpapalugod sa Panginoon nila sapagkat ang Kabilang-buhay ay tahanan ng pagtutuos hindi tahanan ng paggawa.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Naḥl • Talata 83 Susunod An-Naḥl • Talata 85