Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Naḥl — Talata 83 (Tagalog) — Bidyo

An-Naḥl • Talata 83 sa 128 • Tagalog


يَعْرِفُونَ نِعْمَتَ اللَّهِ ثُمَّ يُنْكِرُونَهَا وَأَكْثَرُهُمُ الْكَافِرُونَ 83
Pagsasalin:
Nakakikilala sila sa biyaya ni Allāh, pagkatapos nagkakaila sila nito, at ang higit na marami sa kanila ay tagatangging sumampalataya. An-Naḥl 16:83
Tafsīr:
Nakakikilala ang mga tagapagtambal sa mga biyaya ni Allāh na ibiniyaya Niya sa kanila, na kabilang sa mga ito ang pagsusugo sa Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – sa kanila. Pagkatapos nagkakaila sila sa mga biyaya Niya dahil sa kawalang ng pasasalamat sa mga ito at dahil sa pagpapasinungaling sa Sugo Niya. Ang higit na marami sa kanila ay ang mga tagapagkaila sa mga biyaya Niya – kaluwalhatian sa Kanya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Naḥl • Talata 82 Susunod An-Naḥl • Talata 84