Surah An-Naḥl (Ang Bubuyog — النحل) (Talata 86)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




16 An-Naḥl(النحل), Talata 86

وَإِذَا رَأَى الَّذِينَ أَشْرَكُوا شُرَكَاءَهُمْ قَالُوا رَبَّنَا هَٰؤُلَاءِ شُرَكَاؤُنَا الَّذِينَ كُنَّا نَدْعُو مِنْ دُونِكَ ۖ فَأَلْقَوْا إِلَيْهِمُ الْقَوْلَ إِنَّكُمْ لَكَاذِبُونَ 86 ٨٦

Kapag nakita ng mga nagtambal [kay Allāh] ang mga pantambal nila ay magsasabi sila: “Panginoon namin, ang mga ito ay ang mga pantambal namin [sa Iyo] na kami dati ay dumadalangin sa kanila bukod pa sa Iyo;” ngunit magpupukol ang mga [pantambal na] ito sa kanila ng sasabihin: “Tunay na kayo ay talagang mga sinungaling.” (86)

Tafsīr
Kapag napagmasdan ng mga tagapagtambal sa Kabilang-buhay ang mga sinamba nilang sila dati ay sumasamba sa mga iyon bukod pa kay Allāh ay magsasabi sila: "Panginoon namin, ang mga ito ay ang mga pantambal namin [sa Iyo] na kami dati ay sumasamba sa kanila bukod pa sa Iyo." Nagsabi sila niyon upang ipapasan nila sa mga ito ang mga pananagutan nila ngunit pabibigkasin ni Allāh ang mga sinamba nila kaya tutugon ang mga ito sa kanila: "Tunay na kayo, O mga tagapagtambal, ay talagang mga sinungaling sa pagsamba ninyo sa isang katambal kasama kay Allāh sapagkat walang kasama sa Kanya na isang katambal para sambahin."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba