Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Naḥl — Talata 86 (Tagalog) — Bidyo

An-Naḥl • Talata 86 sa 128 • Tagalog


وَإِذَا رَأَى الَّذِينَ أَشْرَكُوا شُرَكَاءَهُمْ قَالُوا رَبَّنَا هَٰؤُلَاءِ شُرَكَاؤُنَا الَّذِينَ كُنَّا نَدْعُو مِنْ دُونِكَ ۖ فَأَلْقَوْا إِلَيْهِمُ الْقَوْلَ إِنَّكُمْ لَكَاذِبُونَ 86
Pagsasalin:
Kapag nakita ng mga nagtambal [kay Allāh] ang mga pantambal nila ay magsasabi sila: “Panginoon namin, ang mga ito ay ang mga pantambal namin [sa Iyo] na kami dati ay dumadalangin sa kanila bukod pa sa Iyo;” ngunit magpupukol ang mga [pantambal na] ito sa kanila ng sasabihin: “Tunay na kayo ay talagang mga sinungaling.” An-Naḥl 16:86
Tafsīr:
Kapag napagmasdan ng mga tagapagtambal sa Kabilang-buhay ang mga sinamba nilang sila dati ay sumasamba sa mga iyon bukod pa kay Allāh ay magsasabi sila: "Panginoon namin, ang mga ito ay ang mga pantambal namin [sa Iyo] na kami dati ay sumasamba sa kanila bukod pa sa Iyo." Nagsabi sila niyon upang ipapasan nila sa mga ito ang mga pananagutan nila ngunit pabibigkasin ni Allāh ang mga sinamba nila kaya tutugon ang mga ito sa kanila: "Tunay na kayo, O mga tagapagtambal, ay talagang mga sinungaling sa pagsamba ninyo sa isang katambal kasama kay Allāh sapagkat walang kasama sa Kanya na isang katambal para sambahin."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Naḥl • Talata 85 Susunod An-Naḥl • Talata 87