Magpaparating sila kay Allāh sa araw na iyon ng pagpapasakop at maglalaho sa kanila ang dati nilang ginagawa-gawa [na mga diyus-diyusan]. An-Naḥl 16:87 ⧉
Tafsīr:
Susuko ang mga tagapagtambal at magpapaakay sila kay Allāh lamang. Mawawala sa kanila ang dati nilang nililikha-likha gaya ng pag-aangkin na ang mga anito nila ay namamagitan para sa kanila sa ganang kay Allāh.