Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Huwag kayong maging gaya ng [babaing] kumalas sa pagsisinulid niya, matapos na ng isang kalakasan [ng pagkasinulid] nito, para maging mga himaymay. Gumagawa kayo sa mga sinumpaan ninyo bilang pandaraya sa pagitan ninyo dahil baka may isang kalipunang ito ay maging higit na malago kaysa sa isang kalipunan. Sumusubok lamang sa inyo si Allāh sa pamamagitan nito at talagang maglilinaw nga Siya para sa inyo sa Araw ng Pagbangon ng anumang dati kayo hinggil doon ay nagkakaiba-iba. (92)
Tafsīr
Huwag kayong maging mga hunghang na mga mahina ang mga isip, dahil sa pagkalas sa mga kasunduan, tulad ng isang babaing hangal na nagpagod sa pagsisinulid ng lana niya o bulak niya. Nagpahigpit siya sa pagsisinulid nito, pagkatapos nagkalas siya nito at gumawa siya rito na nakakalag gaya ng dati nito bago ng pagkasinulid nito. Kaya nagpagod siya sa pagsisinulid nito at pagkakalas nito at hindi siya nagtamo ng isang hinihiling. Nagpapabago kayo sa mga sinumpaan ninyo na maging isang panlilinlang na nanlilinlang kayo sa isa't isa sa inyo sa pamamagitan nito upang ang kalipunan ninyo ay maging higit na marami at higit na malakas kaysa sa kalipunan ng mga kaaway ninyo. Nagsusulit lamang sa inyo si Allāh sa pamamagitan ng pagtupad sa mga kasunduan kung tutupad kaya kayo sa mga ito o kakalas kayo sa mga ito? Talagang magpapaliwanag nga si Allāh para sa inyo sa Araw ng Pagbangon sa anumang dati kayo ay nagkakaiba-iba hinggil doon sa Mundo kaya maglilinaw Siya sa tagapagtotoo sa tagapagpabula at sa tapat sa sinungaling.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: