Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Naḥl — Talata 92 (Tagalog) — Bidyo

An-Naḥl • Talata 92 sa 128 • Tagalog


وَلَا تَكُونُوا كَالَّتِي نَقَضَتْ غَزْلَهَا مِنْ بَعْدِ قُوَّةٍ أَنْكَاثًا تَتَّخِذُونَ أَيْمَانَكُمْ دَخَلًا بَيْنَكُمْ أَنْ تَكُونَ أُمَّةٌ هِيَ أَرْبَىٰ مِنْ أُمَّةٍ ۚ إِنَّمَا يَبْلُوكُمُ اللَّهُ بِهِ ۚ وَلَيُبَيِّنَنَّ لَكُمْ يَوْمَ الْقِيَامَةِ مَا كُنْتُمْ فِيهِ تَخْتَلِفُونَ 92
Pagsasalin:
Huwag kayong maging gaya ng [babaing] kumalas sa pagsisinulid niya, matapos na ng isang kalakasan [ng pagkasinulid] nito, para maging mga himaymay. Gumagawa kayo sa mga sinumpaan ninyo bilang pandaraya sa pagitan ninyo dahil baka may isang kalipunang ito ay maging higit na malago kaysa sa isang kalipunan. Sumusubok lamang sa inyo si Allāh sa pamamagitan nito at talagang maglilinaw nga Siya para sa inyo sa Araw ng Pagbangon ng anumang dati kayo hinggil doon ay nagkakaiba-iba. An-Naḥl 16:92
Tafsīr:
Huwag kayong maging mga hunghang na mga mahina ang mga isip, dahil sa pagkalas sa mga kasunduan, tulad ng isang babaing hangal na nagpagod sa pagsisinulid ng lana niya o bulak niya. Nagpahigpit siya sa pagsisinulid nito, pagkatapos nagkalas siya nito at gumawa siya rito na nakakalag gaya ng dati nito bago ng pagkasinulid nito. Kaya nagpagod siya sa pagsisinulid nito at pagkakalas nito at hindi siya nagtamo ng isang hinihiling. Nagpapabago kayo sa mga sinumpaan ninyo na maging isang panlilinlang na nanlilinlang kayo sa isa't isa sa inyo sa pamamagitan nito upang ang kalipunan ninyo ay maging higit na marami at higit na malakas kaysa sa kalipunan ng mga kaaway ninyo. Nagsusulit lamang sa inyo si Allāh sa pamamagitan ng pagtupad sa mga kasunduan kung tutupad kaya kayo sa mga ito o kakalas kayo sa mga ito? Talagang magpapaliwanag nga si Allāh para sa inyo sa Araw ng Pagbangon sa anumang dati kayo ay nagkakaiba-iba hinggil doon sa Mundo kaya maglilinaw Siya sa tagapagtotoo sa tagapagpabula at sa tapat sa sinungaling.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Naḥl • Talata 91 Susunod An-Naḥl • Talata 93