Magpatupad kayo sa kasunduan kay Allāh kapag nakipagkasunduan kayo at huwag kayong kumalas sa mga sinumpaan ninyo matapos ng pagbibigay-diin sa mga ito. Gumawa nga kayo kay Allāh sa inyo bilang Mapagpanagot. Tunay na si Allāh ay nakaaalam sa anumang ginagawa ninyo. An-Naḥl 16:91 ⧉
Tafsīr:
Magpatupad kayo sa bawat kasunduang nakipagkasunduan kayo kay Allāh o nakipagkasunduan kayo sa mga tao at huwag kayong kumalas sa mga sinumpaan matapos ng pagpapatibay sa mga ito sa pamamagitan ng panunumpa kay Allāh. Gumawa nga kayo kay Allāh bilang saksi sa inyo dahil sa pagtupad ninyo sa sinumpaan ninyo. Tunay na si Allāh ay nakaaalam sa anumang ginagawa ninyo: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula rito. Gaganti Siya sa inyo rito.